Lea Salonga At Jed Madela, Pinatutsadahan Ang Mga Dating Opisyal Ukol Sa Pagbabalewala Sa Mga Yolanda Donations!

Nakarating sa kaalaman ni Lea Salonga at Jed Madela ang balitang sinunog ng BOC ang mga Yolanda donations noong October 3. Kilala sa pagbibigay ng walang kinikilingan at mapangahas na komento ukol sa mga problema ng bansa, nagpahayag ng galit si Lea Salonga ukol sa isyu.

Sinunog Na Donasyon

Matatandaang sinunog ang mga donasyon na nagmula sa Beligium, Norway, at Estados Unidos dahil sinasabing expired na ang mga ito. Ang mga ito ay ipinadala noong 2014 at idineklarang abandonado noong 2017 nang hindi nakapagsumite ang mga nagbigay ng donasyon ng mga kinakailangang papeles sa Department of Finance upang sa ganun ay maumpisahan ang pagpapamigay nito.
Ang mga nasabing sinunog na donasyon ay mga damit, diapers, gamot, at mga pagkain na malaking tulong umano noong mga panahong kinakailangan bumangon ng mga biktima ng Yolanda.
Panoorin ang Video

Korapsyon

Sa galit ni Lea Salonga, ibinunton nito ang sisi sa korapsyon o red tape. Nagbigay din ng komento ang mga kaibigan nito sa social media ukol sa problema. Diumano ay di man lamang isinantabi muna ng gobyerno ang pagpataw ng tax requirements sa mga nagbigay ng mga donasyon na syang kailangan ng mga biktima. Isinisi ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno at ang nakaraang administrasyon sa napupulitikang pagtulong ng mga ito sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Naikumpara pa kung paano tumulong ang nakaraang administrasyong Aquino sa paraan ng pagtulong na ibinigay ng Davao City sa pamumuno pa ni Duterte. Naging maagap ang mga ito na may dalang kumpletong rescue team at mga maayos na relief goods na ipinamigay sa mga nangangailangan. Natugunan nito ang dapat na matanggap ng mga biktima sa panahong nangangailangan sila.
Sinasabing dapat mapanagot ang mga tao sa likod ng korapsyon na ito at sa paggamit ng sakuna upang makalikom ng pera. Nagkomento din si Jed Madela ukol sa balita,
“Sana whoever is behind this waste, everything they put in their mouth will taste like garbage!”

Walang Pusong Administrasyon

Naglabas din ng saloobin ang mga netizen ukol sa kawalang puso at dignidad ng administrasyong Aquino. Dawit din ang pangalan ni Dinky Soliman na nagbabalak tumakbo bilang senador sa 2019. Sigaw ng mga netizen, #NoToLP na.
Heto ang iba pang komento ng mga netizen:

Source: Facebook
Loading...

No comments

Powered by Blogger.